Anton Dulce wrote a note titled Why I Am Proud of Voting for Nancy Binay. Read the full text here.

isa sa pinakamainit na isyu ngayon ay ang di pagkakaunawaan ng dalawang bansa. mairesearch nga..international relations student ang peg, wait lang po :P
Ilang araw pagkatapos ng eleksyon, pumunta ang nanalong mayor sa amin palengke at pinaalis lahat ng mga tindera sa sidewalk at mga jeep sa terminal. Ang paliwanag ng munisipyo ay ito raw ay bahagi ng pagpapaganda ng palengke. May isang pangyayari na naganap kahapon nang sugudin ng isang babae ang mayor dahil daw sa pangugutya nito sa asawa ng kumandidatong mayor noong 2010 kontra sa kasalukuyang mayor. Ito ang hinihinala ng marami na isa sa mga dahilan ng pagpapaalis sa mga tindera
Ang nakapagtataka pa rito ay ay ang ilang mga tindera ay pinayagang magtinda ng malaman na sila ay nakatira sa isang barangay kung saan nanalo ang mayor.
Sa aking palagay ay may kinalaman ang mga katatapos lang na mga pangyayari sa dikit na laban noong nakaraang eleksyon. Nakakalungkot lang na ang mga tao ay puno na ng takot sa trapong ito. Napipilitan silang ibigay ang boto nila dahil sa takot na mawalan ng hanapbuhay. Hindi ito tama. The state will forever be sovereign. Kung magsasama-sama tayong lahat laban sa politikong ito, siya ang dapat matakot. Nawa ay mamulat na ang lahat :)